CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, August 31

More Laughs

I received this email from a friend....I really had a good laugh. In fact, I even cried while laughing hard. Read the letter.

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng subject na COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palan namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba jan sa boarding house mo san ba kamu yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan, di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI, sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng INOVA na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal

Itang at Inang


P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

10 comments:

ScroochChronicles said...

Hehehe...san kayang planeta galing si inay at itay?

Heart of Rachel said...

LoL! It's a funny way of describing a child's capriciousness.

Wenchie said...

Hi Cookie, baka sa bundok na walang tv at cell, he he.

Hi Rach, naku buti na lang alam ko lahat yan...ha ha ha.

Forever59er said...

ahahaha. Kawawang itang at inang. Sobrang .. hello, kailan ba kayo pinanganak .. yesterday?

TY Weng, I could really use a laugh!!

Wenchie said...

Hi Annamanila, o di ba napatawa kita? Kahit di kapani-paniwala...Btw, you can just call me Wenchie.

Anonymous said...

hehehee..kakatawa! pero kawawa naman ang nanay at tatay nung student..

thanks for your visit :)

Wenchie said...

Hi MOM, thanks also for the visit. Kakatawa nga, I'm wondering tuloy if they exist in real Pinoy setting, he he, he.

Anonymous said...

My sis emailed this to me too and after reading I wondered kung may consensya ba ang anak nila at kung gaano pala sila kalayo na di man lang nila alam yung mga hinihingi ng anak nila. Wala kaya silang TV eh marami naman sila pera cguro imagine may ipambibili sila ng innova bongga dba lol:)

gerrycho said...

hindi ko talaga nagustuhan tong forwarded mail na to... siguro kasi meron akong kakilala na barkada dati... and the fact na hindi man ganito ka-extreme totoo syang nangyayari... i feel for the parents, nakakalungkot sya... (*huhu)

Wenchie said...

Hi Tere, ako din wondering, but in fact, some parts of this letter-joke are true, had a college classmate before na ganyan gimmick sa parents nya to get some money from them. Poor fellows...

Hi Gerrycho, thanks for the visit. As I've said to Tere, my former college chum did (some gimmicks) that to her naive-parents. After a year, she got kicked out of school (puro lakwatsa, bagsak tuloy).